Kabanata V: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero
Tauhan:
Buod:
Gabi na inilakad ang prusisyon ng San Diego dahil sa prusisyonng pang Noche Buena ng dumating si Basilio sa San Diego nakasakay ng isang kutsero. Dahil hindi ipadaan ang kutsero pinahinto ang kutsero dahil sa prusisyon at pgkatapos nito ay napuna ang kutsero; si Sinong ng mga gwardiya sibil ng makita na wala siyang ilaw sa kanyang kutsero. Pinalakad nalang si Basilio papunta sa bahay ni Kapitan Tiyago, at pagkatapos ay na alaman palang ni Sinong na wala pala siyang dalang sedula at dahil nito ay binugbog siya ng mga gwardiya sibil.
Tauhan:
A. Basilio
-Ang katiwala ni Kapitan Tiyago
-Siya ang nakasakay sa isang kutsero noong pag prusisyon papunta sa bahay ni Kapitan Tiyago.
B. Sinong
-Ang kutserong sinakyan ni Basilio ng gabi ng noche buena.
-Binugbog siya ng mga gwardiya sibil ng napuna na wala siyang sedula.
-Nagtrabaho siya sa araw ng noche buena kaysa magpagdririwang upang maipakain niya ang kanyang pamilya.
C. Simoun
-Si Crisostomo Ibarra na bumalik sa Pilipinas upang mahiganti sa mga taong kaaway niya.
D. Gwardiya Sibil
-Sila ang mga taong may awtoridad mag parusa sa mga taong hindi susunod sa batas.
-Sila ang nagbugbug kang Sinong bilang parusa na walang ilaw ang kutsero niya at wala siya dalang sedula.
E. Kapitan Tiyago
- Siya ang tumulong at kumukop kay Basilio, siya rin ang nagsuporta kay Basilio sa pag aral ng gamot.
- Sa kanyang tahanan si Basilio papunta noong gabi ng noche buena nang nakasakay siya sa isang kutsero.
Suliranin:
Binugbog ng mga gwardiya sibil ang isang kutsero dahil walang ilaw ang kutsero. Hindi binigyan ng tamang hustisya ang kutsero. Pagkatapos ay napansin ng mga gwardiya sibil na walang dalang sedula ang kutsero dahil naiwan niya at kaagad binugbog ulit. Dahil sa masamang mangyayari ay lumakad nalang si Basilio papunta sa tahanan ni Kapitan Tiyago.
Isyung Panlipunan:
Ang isyung panlipunan na katulad sa kabanata ay una-una ang pagka walang pantay - pantay na karapatan at hustisya na nabibigay sa mga mamamayan. Ang mga makapanyarihan ay inabuso yung kanilang posisyon at hindi ginagawang tama ang kanilang tungkulan.
Ikalawa ay dahil sa kahirapan ay maraming tao naghihirap maghanap ng pera, at dahil nito kahit oras ng magpagdiriwang ay kailangan magtrabaho sila upang mayroon maipakain ang kanilang pamilya. Pero kahit mahirap na sila ay inaabuso sila sa mga makapangyraihang tao, katulad ng magnanakaw ang mga pamahalaan sa mga mahihirap at hindi binibigyan ng pantay karaptan.
Gintong Aral:
Ang aral nitong kabanata ay dapat tayong mga mamamayan ay matuto maipaglaban ang pagka pantay - pantay na karapatan at hustisya. Iwasan natin ang pag-aabuso at diskriminasyon sa bawat isa, dapat meron tayong gawin upang maipaunlad ang ating lipunan sa mga abuso. Hindi lang ang paglalaban sa pantay-pantay na karaptan ang aral nitong kabanata. Ang paging responsabilidad at pagdisiplina ay ipinapakita rin sa kabanata na mahalaga ito at kailangan rin ito upang maunlad ang lipunan. Tayong mga mamamayan ay meron tungkulin sumunod sa batas ng lipunan at ipaglaban ang ating karaptan upang maiwasan ang pag-abuso. Magkilos tayo upang mayroon tayong maunlad na kinabukasan.